Feb. 22. Isang ordinaryong araw. Well, hindi. Masama ang pakiramdam ko nitong huling mga araw, emo shit weak shit kumbaga. 'Wag n'yo na ako tanungin kung bakit dahil hindi ko kayo sasagutin.
Pasado alas-sais. Pailaw sa harapan at likuran ng mga sasakyan, ingay ng mga jeep at tricycle, usok galing sa mga baklang nagbebenta ng isaw, betamax, adidas, at kung ano-ano pang shit ang yumakap sa aking paglalakbay pauwi.
Gutom na ako that time -dala ng pagod sa exam (na akala ko ay uber hirap, tsiken lang pala, luls), init ng klima (kahit alam kong wala talagang konek to sa gutom), at kung ano-anong emo shit- kaya naisipan kong bumili ng tinapay sa bakery sa malapit. Hinanap ko yung ala-Mini Stop kariman shit dun sa bakery, kaso na-frustrate lang ako kasi di na ata sila gumagawa nun (nalugi ata kasi sampung piso lang ang benta nila dun, eh sa Mini Stop bente-dos, tapos mas malaki pa yung sa kanila kesa dun sa Mini Stop).
Tingin-tingin. Ano kayang masarap kainin? Si ate na lang kaya? Kaso di ko bet si ate. Pudding na lang. Tinanong ko kay Ateng-sambakol-ang-mukha kung magkano ang pudding, dos daw isa.
Sampung piso, sabi ko. Sabay dukot naman si ate ng plastic, ipinasok ang maduduming kamay sa plastic at dumakot ng limang pirasong pudding. Nagbayad ako. Dalawang tig-limang pisong barya. Sabay alis.
Bitbit ko nun ang biniling pudding nang biglang may kumalabit sa akin.
Isang babaeng naka-itim na shirt (na sa nanay nya ata talaga at inarbor lang para may maisuot), naka-itim na leggings (take note, leggings, shushal), at penk na tsinelas ang lumapit sa akin.
Penge po ng barya, sabi ni girl. Head shake lang ako. Ignore. Keber.
Penge na lang po nyan, sabay turo sa pudding. Ignore. Keber.
Sabay lumayo na si babae.
Sa isip ko, bakit ko ibibigay tong tinapay eh gutom na ako?
Matapos ang ilang saglit, bigla akong napaisip.
Sana pala binigay ko na lang sa kanya yung tinapay, para kahit paano solb na ang tiyan sa araw na ito. Baka di pa siya kumakain, nakakaawa naman.
Dagli kong hinagilap kung asan ang babae, pero sa kasamaang palad, di ko na siya nakita.
Nadisturb ako.
Okay lang naman kung titiisin ko na lang ang gutom ko, pwede naman ako kumain sa bahay. Kahit paano may pera pa rin naman ako para makabili ng food. Pero si ate, wala talaga eh. Ilang araw na kaya siyang hindi kumakain? *hikbi*
Nadisturb ako.
Naisip ko na sana binigay ko na lang sa kanya yung pudding, kahit paano natulungan ko siya.
Nakita ko ang sarili ko sa kanya. Naalala ko yung mga pagkakataon na naghihikahos ako at kebs na lang kung makapangutang para lang makasurvive.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa sakayan ng tricycle. Pailaw sa harapan at likuran ng mga sasakyan, ingay ng mga jeep at tricycle, usok galing sa mga baklang nagbebenta ng isaw, betamax, adidas, at kung ano-ano pang shit ang tila nanunumbat na sumalubong sa akin.
Kinain ko ang pudding habang nasa tricycle. Ikakain ko na lang siya, sabi ko sa sarili.
P.S. Hindi na ako emo shit ngayon. :D
skip to main |
skip to sidebar